Pinangunahan ni Minister of Health Dr. Jojo Sinoliding Jr. Ang Joint Medical, Surgical at Opthalmic Outreach Program ng Ministry of Health BARMM sa Siasi District Hospital sa Jolo, lalawigan ng Sulu.

Mahigit sa isandaan (100) na pasiyente na may problema sa paningin ang binigyan ng lunas ng MOH BARMM sa kanilang suliranin.

Masaya naman ang mga residente na nakakuha ng libreng serbisyo na medical na kahit sila ay nahiwalay na parang anak sa kanilang nakagisnang magulang na BARMM ay tuloy-tuloy ang serbisyo na ibinibigay sa kanila alinsunod sa mandato ni CM Ahod Ebrahim na wag paring pababayaan ang Sulu kahit na naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na hindi na ito parte ng rehiyon.