Opisyal nang isinampa ang mga kasong kriminal kaugnay ng ambush na kinasangkutan ng PMFC personnel ng Maguindanao del Sur noong Marso 28, 2026.

Ayon sa ulat ng Special Investigation Task Group (SITG–PMFC), isinagawa ang imbestigasyon alinsunod sa direktiba ng Chief PNP upang matukoy ang mga salarin at mabuo ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso.

Noong Abril 20, 2026 bandang alas-10:00 ng umaga, pormal na inihain ang mga kasong Multiple Murder, Multiple Frustrated Murder, at Theft sa Office of the Provincial Prosecutor ng Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ito ni PCOL Michael John C. Mangahis, kasama ang iba’t ibang yunit mula sa PNP kabilang ang PIDMU, PIU, IOC Shariff Aguak MPS, RIDMD, RLO, at CIDG BAR. Ang mga kaso ay na-docket sa ilalim ng NPS case numbers na kasalukuyang nakabinbin para sa preliminary investigation.

Bandang alas-7:00 ng gabi sa parehong araw, opisyal nang tinanggap ng Prosecutor’s Office ang mga reklamo, na hudyat ng pagsisimula ng legal na proseso laban sa mga suspek.

Ayon sa mga awtoridad, ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagtamo ng hustisya para sa mga biktima ng pananambang.

Tiniyak naman ng pamahalaan at ng law enforcement agencies na patuloy ang pagtugis sa mga responsable at hindi titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga nasa likod ng krimen.