Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng partidong Lakas Christian Muslim Democrats o Lakas CMD ang ilang mga alkalde, bise alkalde at mga konsehales mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao Del Sur at sa mga bayan ng Special Geographic Areas ng rehiyon.

Pinangunahan ni LAKAS Provincial Chairman at Coordinator Congressman Tong Paglas ang pagpapanumpa sa mga bagong miyembro ng partido.

Ani Paglas, isang karangalan aniya ang mapangunahan ang panunumpa ng mga bago nitong kasama sa partidong Lakas CMD.

Patuloy aniya itong magiging instrumento ng pagbabago at kaunlaran sa ilalim ng pag giya ng partido at ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang mga bago nitong sumpang mga miyembro.