Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Lieutenant General Antonio G. Nafarrete bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasunod ng pagreretiro ni General Romeo S. Brawner Jr. ngayong Hulyo 21, ayon sa Department of National Defense (DND).

Kasabay nito, hinirang din si Lieutenant General Donald M. Gumiran, na kasalukuyang Commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), bilang bagong Commanding General ng Philippine Army.

Sa pahayag ng DND, ipinahayag nito ang pagbati kina Nafarrete at Gumiran sa kanilang mga bagong tungkulin at nagpahayag ng kumpiyansa na maipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng propesyonalismo, kahusayan, at tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.