Nagbigay ng huling pagpupugay ang mga residente ng Davao de Oro sa yumaong student-athlete na si Rene Clert Baterbonia matapos dumaan ang funeral convoy nito sa ilang bayan sa lalawigan kahapon, June 15.

Dumagsa sa national highway ang mga residente, kabilang ang maraming kabataan, upang masilayan at mabigyan ng respeto ang labi ni Baterbonia habang binabagtas ng convoy ang mga bayan ng Mawab, Nabunturan, Montevista, at Monkayo patungo sa kanyang bayan sa Talacogon, Agusan del Sur.

Makikita ang emosyon at pakikiisa ng mga residente na naghintay sa gilid ng kalsada bilang pakikiramay at pag-alala sa student-athlete na minahal ng marami.