Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina South Upi Mayor at Vice Mayor-elect Reynalbert Insular, kasama ang kanyang asawa na si Janet Insular, sa mismong bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.
Ang mag-asawa ay nahaharap sa mga kasong Murder, Frustrated Murder, at Attempted Murder, kaugnay ng pagpaslang kay South Upi Vice Mayor Roldan Benito noong Agosto 2024.
Mariin namang itinanggi ni Mayor Insular ang mga paratang.
Giit niya, wala siyang motibo sa krimen at maayos umano ang kanilang relasyon ni Benito bago pa man ang insidente.
Naniniwala rin siyang may pulitikang motibo sa likod ng pagsasampa ng kaso laban sa kanila.
Dagdag pa ni Insular, umaasa siyang mapapakinggan nang patas sa tamang proseso ang kanilang panig sa korte.