Sinalanta ng malakas na hangin ang Barangay Paidu Pulangi sa bayan ng Pikit, Cotabato, na nagresulta sa pagkasira ng ilang kabahayan.
Mistulang papel na nilamukos ang mga bahay na tinamaan ng malakas na ihip ng hangin. Tumilapon din palabas ang mga kagamitan sa loob ng mga tahanan, kabilang na ang mga kasangkapan sa sala at kusina.
Sa kabila ng matinding pinsala, maswerte namang walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Dahil dito, nananawagan ang mga apektadong residente ng tulong, lalo na para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at pansamantalang masisilungan.