Pinapadalo ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Cotabato sa pangunguna ni Vice Mayor Johari Butch Abu sa sesyon nito ngayong Martes ang alkalde ng lungsod na si Mayor Bruce Matabalao, mga miyembro ng Local Finance Committee maging si City Legal Officer Atty. Sahara Alia Silongan.

Base sa ipinadalang imbitasyon ng Sangguniang Panglungsod, ito ay upang mabigyang linaw ang sinapit ng humigit kumulang na tatlong libo na Contract of Service Workers ng siyudad. Pirmado naman ni Abu ang naturang imbitasyon at agad naman itong tinanggap sa mga departamento na ipinatawag ng SP.