Nilinaw ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na wala pa silang natatanggap na pormal na abiso kaugnay sa muling pag-upo ni Hon. Mohagher Iqbal bilang kalihim ng nasabing ahensya.

Ito ay kasunod ng kumakalat na social media post na umano’y nagkumpirma ng reappointment ni Iqbal. Ayon sa MBHTE, ang Facebook card na ikinakalat ay mula pa sa nakaraang appointment ng ministro at tila kinuha lamang mula sa kanilang opisyal na Facebook page.

Sa kabila nito, nagpapasalamat ang MBHTE sa mga patuloy na nagpapadala ng suporta at panalangin para kay Minister Iqbal. Ayon sa kanila, umaasa at nananalig silang opisyal ding makukumpirma ang kanyang reappointment, In shaa Allah.

“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa,” saad pa sa opisyal na pahayag ng MBHTE.