Aabot sa dalawamput isa na mga payong-payong ang pinaghuhuli at inimpound ng PNP Traffic Enforcement Unit sa Barangay Rosary Heights 11 nitong lungsod, kahapon ng umaga.

Karamihan aniya sa mga naimpound ay paso ang lisensya, walang kaukulang dokumento, expired ang rehistro at unfit or unsafe na para sakyan ng isang pasahero.

Umakto ang PNP TEU sa ulat mula kay Kapitan Juharto Binangon ng RH 11 matapos na diumano ay sumuway ang mga ito sa patakaran ng barangay.

Walang kawala ang iba ng makipagmatigasan ang mga ito at nakipaghabulan pa sa mga autoridad para makatakas. Paalala ng TEU sa mga drivers maging sa mga pasahero, hindi aniya sila pinagbabawalang mamasada o sumakay basta’t sumunod lamang sa mga regulasyon at patakaran ng lungsod hinggil sa kanila.