Nakipagpulong si Moro Islamic Liberation Front Central Committee o MILF-CC Chairman at United Bangsamoro Justice Party o UBJP President na si Al Haj Murad Ebrahim kay Speaker Numan Kurtulmuş ng Grand National Assembly of Türkiye sa Ankara, Türkiye.
Mainit na tinanggap ni Speaker Kurtulmuş si Chairman Murad at ang kanyang delegasyon. Kinilala rin nito ang matagal na paglilingkod ni Murad sa pakikibaka ng Bangsamoro at ang kanyang naging papel bilang kauna-unahang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ang mga usaping may kaugnayan sa Islamic world, kabilang ang sitwasyon sa Palestine. Ipinahayag din ni Speaker Kurtulmuş ang kanyang pasasalamat sa pagbisita ng delegasyon at ipinaabot ang kanyang pagbati at pakikiisa sa mamamayang Bangsamoro.
Samantala, nagpahayag naman si Chairman Murad ng taos-pusong pasasalamat sa Grand National Assembly of Türkiye at kay Speaker Kurtulmuş sa mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa kanya at sa kanyang delegasyon.
Ayon sa inilabas na pahayag, muling pinagtibay ng pagpupulong ang matibay na ugnayan at pagkakaisa ng mamamayang Bangsamoro at ng Republika ng Türkiye, kasabay ng kanilang ibinahaging hangarin na isulong ang kapayapaan, katarungan, at pagkakaisa sa loob ng Islamic world

















