Nararamdaman pa rin ang mga aftershocks matapos ang malakas na Magnitude 7.8 Offshore Mindanao Earthquake na tumama noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa pinakahuling tala ng mga seismologists, umabot na sa 9,372 ang recorded events, kung saan 2,425 ang na-plot at 97 ang naramdaman ng publiko. Ang lakas ng mga aftershocks ay nasa pagitan ng Magnitude 1.2 hanggang 6.4.

Bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay mahina at hindi nagdudulot ng pinsala, nananatiling alerto ang mga awtoridad at patuloy ang monitoring ng PHIVOLCS upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling handa at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.

Ang Offshore Earthquake na ito ay isa sa pinakamalakas na naitala ngayong taon sa bansa, na nagdulot ng bahagyang tsunami.

Gayunpaman, agad na kinumpirma ng mga eksperto na walang banta ng mapanganib na tsunami matapos ang insidente.