Pormal nang mauupo bilang Chief o hepe ng Tamparan Provincial Hospital sa lalawigan ng Lanao Sur si Minister of Health Dr. Kadil “Jojo” Sinolinding.

Ang appointment sa kanya ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa bisa na rin ng OCM Special Order Number 0787 ay Effective Immediately o kinakailangan nang gampanan ni Minister Sinolinding sa oras na matanggap nya ang naturang order.

Nagpasalamat naman ang ministrong pangkalusugan sa panibagong iniatang na pagtitiwala sa kanya ni Chief Minister Ebrahim.