Pormal nang naibigay ng Ministry Of Health sa pamumuno ni Minister Dr. Kadil “Jojo” Sinolinding Jr. ang mga Ambulansya kasabay ng Signing of Memorandum of Understanding sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund o TDIF 2022 – 2024 ng mga Bangsamaro Transition Authority Member of Parliament.
Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Patient Transport Vehicle
- Tulong Medical Assistance
- Land and Sea Ambulances
- Bemone Drugs and Supplies
- Essential medicines
- Barangay Health Workers Incentives
Ginanap ang ceremonial turn over sa BARMM Compound sa Cotabato City kahapon, July 8, 2024 na pinangunahan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at iba pang mga bisita.