Isang buwan na sweldo na katumbas ng P200,000 ang magiging pabuya ng makakapagturo sa kung sino ang may kagagawan ng pagitsa ng granada sa opisina at clinica ni Minister of Health Dr. Jojo Sinolinding noong sabado ng Gabi.
Ito ang pagtitiyak ni Sinolinding at ito rin ang kanyang maiaambag upang mapabilis ang pagresolba ng kaso at mapanagot ang nasa likod nito.
Sinabi rin ni Sinolinding na ang magiging resolusyon ng kaso ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa mga taga lungsod na tiyak ay magkakaroon ng pangamba sa kapayapaan ng lugar.