Tila isang goodnews para sa Ministry of Labor and Employment- BARMM ang naging basbas ng Bangsamoro Parliament na madagdagan pa ng P72.93M ang P373.85M na nitong pondo para sa 2025.
Nagpasalamat naman ang puno ng ahensya na si Minister Muslimin Sema sa pagapruba ng BTA sa kabuuang budget nf ahensya na P446.8M na may karagdagan pang P72.93M, ito ay mula ss original na mungkahing P373.85M.
Ang naturang pagdaragdag ay inaprubahan sa naging budget deliberation noong Nobyembre 14 kung saan ito ay pinangunahan ni MP Mary Ann Arnado.
Abot-abot naman ang puri ng BTA sa MOLE sa naging mataas na budget utilization rate na 82.91% ngayong taon. Sa mensahe na ipinarating ni Minister Sema, mas mapapalawig pa nila ang kanilang mga programa na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng sektor ng paggawa sa BARMM sa susunod na taon.