Itinalaga ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua si Member of Parliament Baileng S. Mantawil bilang bagong Minister ng Ministry of Science and Technology (MOST) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), epektibo ngayong Agosto 15, 2025.

Batay sa Special Order No. 0637, ang pagtatalaga kay Mantawil ay bahagi ng pangangailangang pangserbisyo ng rehiyon. Maliban sa kaniyang tungkulin bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, nakasaad na kaniyang gagampanan ang lahat ng responsibilidad bilang pinuno ng MOST.

Ang naturang designation ay may bisa sa loob ng isang taon mula sa araw ng pagpirma, maliban kung ito ay mas maagang bawiin ng tanggapan ng Chief Minister. Agad namang inaasahang sisimulan ni Mantawil ang pagtupad sa kaniyang bagong tungkulin matapos matanggap ang kautusan.