Bumisita kamakailan ang Regional Director ng National Police Commission-BARMM na si Atty. Fahd A. Candao sa mga sugatang pulis mula sa Police Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, na biktima ng pananambang noong Marso 28, 2026 sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Layunin ng pagbisita na suriin ang kalagayan ng mga apektadong personnel at iparating ang suporta ng komisyon sa kanilang mga pamilya at kasamahan.
Ayon sa ulat, pinanatili ng NAPOLCOM-BARMM ang pakikipag-ugnayan sa mga pulis sa rehiyon upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kapakanan sa gitna ng insidente.

















