Isang pagsabog na hinihinalang dulot ng isang improvised explosive device (IED) ang naganap bandang 12:17 ng madaling araw nitong Hulyo 27, 2026, malapit sa pasukan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura Street, Ermita.

Batay sa inilabas na pahayag ng DOJ, wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente. Agad namang naabisuhan at rumesponde ang Philippine National Police – Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit upang magsagawa ng teknikal na pagsusuri sa lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan, uri, at mga pangyayaring nakapalibot sa naturang pagsabog.

Sa ngayon, ayon sa DOJ, nasa ilalim na ng kontrol ang sitwasyon at nananatiling ligtas ang buong compound. Tiniyak din ng kagawaran ang patuloy nitong pagtutok sa kaligtasan ng mga kawani at ng publiko habang isinasagawa ang isang komprehensibo at patas na imbestigasyon sa insidente.