Nagpasalamat sa mga nakiramay at nakidalamhati ang pamilya Tulfo sa naging pagyao ng kanilang ina na si Caridad Teshiba Tulfo.

Sa naging Facebook Post, nagpasalamat si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa mga nakiramay, nagpunta at nagbigay pagaalaala sa kanilang ina na pumanaw.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanilang funeral procession mula Quezon City hanggang sa lungsod ng Taguig.

Si Mommy Caring ay pumanaw noong nakaraang buwan ng Agosto at inihatid sa kanyang huling hantungan kahapon sa Heritage Taguig.

Si Caridad Tulfo ay ang ina ng mga premyado at walang takot na mga mamamahayag na sina Mon, Senator Raffy, Rep. Erwin at Ben.