Nagsasagawa ng operasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos matagpuan ang isang patay na sperm whale na napadpad sa dalampasigan ng Barangay Batohonan, Sitio Ilo kahapon, April 30, 2026.

Ayon sa BFAR, layunin ng operasyon na matiyak ang maayos na paghawak at tamang disposal ng nasabing marine animal alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente habang isinasagawa ang clearing operations sa lugar.

Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng naturang sperm whale.