Kinumpirma ng Philippine Eagle Foundation na electrocution ang ikinamatay ng isang Philippine Eagle na natagpuang patay sa Barangay Libertad, Arakan, Cotabato noong October 4, 2026.

Batay sa isinagawang necropsy, nagtamo ang agila ng mga paso sa kaliwang pakpak at sa dalawang daliri ng kanang paa na tugma sa pagkakuryente sa linya ng kuryente.

Natuklasan din sa pagsusuri ang dalawang bala mula sa air gun na nakarekober sa katawan ng ibon.

Ang isa sa mga bala ay nasa kaliwang pakpak at tinatayang ilang araw pa lamang bago natagpuan ang agila.

Dahil dito, muling nanawagan ang DENR 12 sa publiko na makiisa sa pangangalaga sa Philippine Eagle at iba pang wildlife.