Lango at positibo sa ipinagbabawal na droga ang pulis na namaril ng isang sibilyan sa sinasakyan nitong bus at dalawa pa nitong kapwa pulis sa isang checkpoint sa Barangay Opon, Magsaysay sa lalawigan ng Davao del Sur noong December 28, 2024.

Sa ulat ng PRO-Davao, lumabas sa drug exam na isinagawa ng RFU 11 na nagpositibo ang suspek na si PCpl. Afred Sabas sa iligal na droga.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang korporal kabilang na ang Double Frustrated Murder para sa pinerwisyo nitong dalawang kabaro at kasong Murder naman para sa pagpatay nito sa isang sibilyan.