Nabuo ang quorum sa pagbubukas ng special session ng Senado nitong Miyerkules matapos dumalo ang 13 senador sa isinagawang roll call ng Mataas na Kapulungan.

Kabilang sa mga present sa sesyon sina Senador Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri, Bam Aquino, Vicente Sotto III, Panfilo Lacson, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Francis Escudero, at Joel Villanueva.

Naging mahalaga ang pagdalo ni Villanueva upang mabuo ang kinakailangang bilang ng mga senador para maideklara ang quorum at maipagpatuloy ang mga hakbang kaugnay ng liderato ng Senado.

Samantala, hindi naman dumalo sa sesyon ang iba pang mga senador na kabilang sa grupo ni Senador Alan Peter Cayetano.
Matatandaang kamakailan lamang ay kumalas si Escudero sa Cayetano bloc bago ang isinagawang special session.