Nagsagawa ng koordinasyon at assessment meeting ang mga ahensya ng pamahalaan sa Cotabato City kaugnay ng paghahanda sa posibleng epekto ng isang magnitude 7.8 na lindol.

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang “RDANA Assessment for Cotabato City Due to 7.8 Earthquake Magnitude” na isinagawa alas-10:00 ng umaga noong Hunyo 8 sa CDRRMO Building sa Malagapas, Rosary Heights 10, Cotabato City.

Dumalo sa pagpupulong sina PLT Rochelle D. Evangelista, Chief Public Information Officer ng Cotabato City Police Office (CCPO), at PSMS Tadzmina S. Amil, CAS PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director ng CCPO.

Pinangunahan naman ang pulong nina Guianodin Abdillah, Secretary to the Mayor, at Rashman Nazer D. Lim, Acting Department Head ng CDRRMO.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya, pagpapahusay ng disaster preparedness at response mechanisms, at pagbuo ng mga estratehiya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente sakaling magkaroon ng malakas na lindol at iba pang sakuna.

Ayon sa CCPO, ang kanilang pakikilahok sa aktibidad ay bahagi ng patuloy na suporta ng pulisya sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa mas epektibong disaster risk management, kaligtasan ng publiko, at katatagan ng komunidad.