Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na special non-working day ang Lunes, Setyembre 14, 2026 sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Nakasaad ito sa Proclamation No. 1395 na inilabas ng Malacañang.

Ang deklarasyon ay para bigyang-daan ang mga residente ng BARMM na makilahok sa Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakda ring isagawa sa Setyembre 14.

Sakop ng deklarasyon ang buong BARMM, kabilang ang mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sulu at Tawi-Tawi, pati ang mga lungsod at munisipalidad na kabilang sa rehiyon.

Layunin ng special non-working day na mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong botante na makaboto sa naturang halalan.