Nagbanta si US President Donald Trump na posibleng atakehin ng Estados Unidos ang Oman, isang kaalyado ng Amerika, sakaling hindi ito “magpakatino” kaugnay ng umiinit na usapin sa Strait of Hormuz.

Sa mga ulat, lumitaw ang pahayag ng dating US president kasunod ng mga diskusyon hinggil sa umano’y plano ng Iran at Oman na magpataw ng toll sa mga barkong dumadaan sa nasabing makitid ngunit mahalagang rutang pandagat.

Ang Strait of Hormuz ay itinuturing na kritikal na maritime route ng mga oil tanker sa pandaigdigang kalakalan, kung saan dumaraan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.

Nauna nang iginiit ni Trump na dapat manatiling bukas ang naturang ruta para sa lahat ng bansa, at wala umanong karapatan ang sinuman na kontrolin ito. Ayon pa sa kanya, mananatiling naka-monitor ang Estados Unidos sa sitwasyon bilang bahagi ng mas malawak na usaping pangseguridad sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang White House kaugnay sa naturang kontrobersyal na pahayag, habang hindi pa rin nagbibigay ng tugon ang Embahada ng Oman sa Washington hinggil sa isyu.