HINAGISAN ng isang uri ng pinaniniwalaang granada ang tapat ng tanggapan ni Bangsamoro Health Minister at Member of Parliament Doc Kadil Sinolinding Jr. sa Moon St., Zenaida Subdivision, Brgy. RH 8, lungsod ng Cotabato nitong gabi ng sabado. October 13, 2024

Mabilis namang narespondehan ng otoridad ang naitalang pagsabog sa lugar.

Bagama’t nagpapatuloy sa ngayon ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad, naniniwala ang punong ministro ng kalusugan sa rehiyon na may kinalaman sa trabaho at pulitika ang nag-udyok sa mga salarin na hagisan ang kanyang tanggapin ng pampasabog.

Maswerte namang walang nasaktan sa insidente ngunit nag-iwan ng ito ng pinsala sa tanggapan ng ministro.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspetsado sa insidente.