Kung pagiging ‘grateful’ lang, wala nang tatalo pa kay Claudine Baretto.

Viral ngayon sa iba’t ibang social media platforms ang pinagtagpi-tagping “Thank you so mch” videos ni Claudine sa mga natatanggap nitong regalo.

Kinaaliwan kasi ito ng mga Gen Z sa istilo ng kanyang pagte-thank you kung saan humihinto muna ito ng ilang segundo bago sabihin ang kanyang sikat na linyang “thank you so much.”

Sa payahag ng aktres, thankful naman ito sa kanyang titulo na “Queen of Gratefulness” dahil aniya hindi nito inasahan na magba-viral ang kanyang mga bidyo.