Nagpaabot ng taus-pusong pagbati at mainit na pagtanggap ang mga opisyal, enlisted personnel, at civilian human resource ng Joint Task Force (JTF) Central kay Major General Donald M. Gumiran, PA, sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ng Armed Forces of the Philippines.
Sa hiwalay na pahayag, ipinahayag din ng Western Mindanao Command ang kanilang malugod na pagbati at mainit na pagsalubong kay MGen. Gumiran, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pamumuno ng AFP sa pagsusulong ng seguridad at kapayapaan sa buong Mindanao.
Kapwa tiniyak ng JTF Central at WestMinCom ang kanilang buong suporta at tiwala sa pamumuno ni MGen. Gumiran, na inaasahang magpapatuloy sa layunin ng Sandatahang Lakas tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na Mindanao.