Isa ang nasawi habang apat ang sugatan matapos na bumaligtad ang isang truck na may kargang buhangin sa Barangay Mapantao, Picong, Lanao del Sur kahapon, Mayo 22.

Ayon sa ulat ng pulisya, kagagaling lamang umano ng truck sa paghahatid ng buhangin sa lugar nang biglang mamatay ang makina nito. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver at tuluyang bumaligtad ang sasakyan.

Dead on the spot ang isang pahinante, habang sugatan naman ang tatlong iba pang sakay ng truck, kabilang na ang tsuper. Kasalukuyan silang nagpapagaling sa ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang matukoy ang iba pang mga detalye at kung may pagkukulang sa panig ng driver o ng truck operator.