Business as usual na muli ang A2Z Transport Cooperative sa lungsod ng Cotabato at sa mga karatig nitong lugar.

Ito ay matapos silang mabigyan ng temporary business permit ng Cotabato City Government noong Hunyo 4, kasunod ng pagtugon ng kooperatiba sa panawagan ni Mayor Bruce Matabalao na ayusin ang kanilang mga papeles sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.

Ayon sa LGU, nagpasa ang A2Z Transport Cooperative ng affidavit of undertaking kung saan nangako silang lilipat sa Cotabato City Integrated Public Terminal kapag ito ay naging operational na.

Matatandaang isa ang A2Z Transport Cooperative sa mga terminal na ipinasara ng pamahalaang lungsod matapos matuklasang ilegal ang kanilang operasyon at wala silang kaukulang business permit para mag-terminal sa naturang lugar.