Muling nagsagawa ng missile launch ang North Korea matapos magpalipad ng isang ballistic missile patungong silangang direksyon kahapon, Abril 19, 2026, batay sa ulat ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff.
Ito ang kauna-unahang pagsubok ng Pyongyang mula pa noong April 8 at bahagi ng sunod-sunod nitong missile testing ngayong taon.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Defense Ministry ng South Korea hinggil sa insidente.
Tinuturing ang naturang hakbang bilang panibagong pagtaas ng tensyon sa Korean Peninsula, kung saan patuloy itong kinokondena ng United Nations at iba pang pandaigdigang organisasyon dahil sa banta sa seguridad.
Nananatili namang hamon ang isyu ng denuclearization at ang pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

















