Sugatan ang labing-isang (11) magkakamag-anak matapos tumagilid ang sinasakyan nilang pampasaherong van sa bahagi ng tinaguriang “Killer Highway” sa Barangay Kilada, Matalam, Cotabato, kamakalawa.
Ayon sa ulat, pauwi na sana sa Pagadian City ang mga biktima nang mangyari ang aksidente. Sa kabutihang-palad, pawang mga galos at minor injuries lamang ang tinamo ng mga sakay ng van.
Agad namang rumesponde ang mga residente sa lugar at ang Matalam MDRRMO upang iligtas ang mga pasahero at maitayo ang tumagilid na sasakyan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinukoy na self-accident ang insidente. Dahil sa madalas na pag-ulan, naging madulas ang kalsada. Bukod dito, hindi rin kabisado ng tsuper ang daan.
Nagdesisyon ang pamilya na umuwi na lamang sa Pagadian matapos ang insidente.
Payo ng pulisya sa mga motorista: magdoble-ingat sa naturang kalsada lalo’t madalas ang aksidente rito dulot ng uneven asphalt laying na hindi pa rin inaaksyunan ng DPWH.
Home Police Report 11 magkakamag-anak, sugatan sa aksidente sa “Killer Highway” sa Matalam, Cotabato