Nakapagtala ng puwesto sa Top 10 ng September 2026 Licensure Examination for Teachers (LET) ang dalawang Bangsamoro graduates matapos ilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta nitong Miyerkules, Nobyembre 25.
Kinilala sina Nashiema Abdullah Maulid Yusoph at Johnrey Agpalo Maata, kapwa nagtapos ng Bachelor of Elementary Education (BEEd) sa Notre Dame University (NDU) sa Cotabato City.
Nasungkit ni Yusoph ang Top 2 sa buong bansa matapos makakuha ng 95.00 percent rating, habang nakamit naman ni Maata ang Top 10 sa 93.40 percent na marka.
Nagsisilbing mahalagang tagumpay ito para sa kanilang mga pamilya at alma mater, kasunod ng kanilang pagkabilang sa mga nanguna sa naturang licensure examination.
Batay sa resulta ng PRC, pumasa ang 95,665 sa kabuuang 132,211 examinees, katumbas ng 72.36 percent na national passing rate.
Isinagawa ang naturang pagsusulit noong Setyembre 20, 2026 sa iba’t ibang testing centers sa bansa at ilang lugar sa ibang bansa.

















