Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Social Welfare Annual Research Advancement Conference (SWARACon) 2026 kahapon Nobyembre 25 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City, na nakatuon sa paggamit ng mga pag-aaral bilang batayan sa pagbuo ng mga polisiya at programang panlipunan.

Pinangunahan ng Knowledge Management and Policy Development Section (KMPDS) ng Planning and Development Division (PDD) ng MSSD ang kumperensya na dinaluhan ng mga researcher, kinatawan ng Bangsamoro ministries, agencies and offices (BMOAs), akademya at iba pang stakeholders.

Sa temang “Responsive Policies, Resilient Services: Bridging Social Welfare Research Gaps for a Mas Matatag na Bangsamoro,” tinalakay sa conference ang mga pag-aaral at kaalamang maaaring gamitin sa pagtukoy ng mga kakulangan sa social welfare services at sa pagbuo ng mga angkop na polisiya at programa.

Taunang isinasagawa ng MSSD ang SWARACon bilang plataporma para sa pagbabahagi at pagtalakay ng mga pananaliksik sa larangan ng social welfare.