Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng dalawang lalaki na natagpuan kamakailan sa isang madamong bahagi ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ayon sa paunang ulat ng Shariff Aguak Municipal Police Station, nakilalang isa sa mga biktima si Denver, isang negosyante mula Purok 6, Bago Gallera, Talomo District, Davao City. Ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima ay kasalukuyang tinutukoy pa ng mga otoridad.

Ayon sa lokal na opisyal, posibleng kinidnap ang dalawang lalaki bago sila pinatay at itinapon sa nasabing lugar.

Samantala, nananawagan ang mga pulis sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang mga responsable sa krimen.