Milagrong sugat lamang ang tinamo ng dalawang miyembto ng sundalo na nakatalaga sa 45th Infantry Batallion matapos itong ambushin ng mga armado sa bahagi ng Barangay Magcawa, Al-barka Basilan kahapon ng umaga.

Galing umano sa isang medical outreach ang mga sundalo at pabalik sa bayan ng Tipo-Tipo ng maganap ang insidente.

Kasalukuyan namang nagpapagaling na sa pagamutan ang mga nasugatang sundalo matapos itong agad na maisugod sa ospital.

Tinutugis na ngayon ng militar ang mga responsable sa nasabing pananambang.