Nagsagawa ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) ng Business Facilitation Meeting kasama ang CARD Mutual Benefit Association, Inc. (CARD MBA, Inc.) upang talakayin ang mga posibleng ugnayan at oportunidad sa pamumuhunan na layong palakasin ang microfinance, entrepreneurship, at inclusive business development sa rehiyon ng Bangsamoro.

Layon ng pagpupulong na mapalawak pa ang mga programang makatutulong sa mga maliliit na negosyante at komunidad upang higit na mapaunlad ang lokal na ekonomiya ng BARMM.

Photo credits: Bangsamoro Board of Investments