Nagkaroon ng isang aksidente sa kalsada kaninang umaga sa Brgy. Jaguimitan, Passi City, Iloilo, kung saan sangkot ang isang dump truck at isang motorsiklo na may sakay na dalawang estudyante.

Ayon sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, magkasunod na bumibiyahe ang motorsiklo at dump truck sa pababang bahagi ng kalsada.

Base sa mga nakasaksi, biglang nadulas ang motorsiklo sa parte ng daan na lubak-lubak, at posibleng hindi nakapreno ang dump truck na kasunod nito kaya nabangga at nadaganan ang motorsiklo.

Agad namang dinala sa ospital ang dalawang biktima upang mabigyan ng nararapat na lunas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing aksidente.