Opisyal nang binuksan ang bagong sangay ng CARD Islamic Bank sa Marawi City, na ikalawa nitong branch sa Bangsamoro region matapos ang pagbubukas ng unang sangay sa Cotabato City noong 2024.

Pinangunahan ang seremonya ni Dr. Jaime Aristotle Alip, Founder at Chairman Emeritus ng CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI), na kinabibilangan ng CARD Bank, Inc., na nagbibigay ng serbisyong pinansyal at programang pangkomunidad. Dumalo rin sa okasyon sina BBOI Chairperson Mohamad Omar Pasigan at Board of Governor Datu Habib Ambolodto, pati na ang mga lokal na opisyal ng Marawi City at iba pang stakeholders mula sa Lanao del Sur.

Ayon sa CARD Islamic Bank, layunin ng bagong sangay na palawakin ang access sa Shari’ah-compliant na serbisyong pinansyal para sa mga Muslim communities sa BARMM at suportahan ang mas inklusibong kaunlarang pang-ekonomiya.
Ang presensya ng BBOI sa pagbubukas ay nakatuon sa pagpapalakas ng etikal na pinansya, sustainable na pamumuhunan, at mas malawak na partisipasyon ng lokal na ekonomiya sa rehiyon.


















