Isa nang tropical depression ang dating low pressure area (LPA) sa silangan ng Davao City nitong umaga, ayon sa PAGASA, at pinangalanang Ada.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras, na may bugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Inaasahang maaapektuhan ng bagyo ang Bicol Region, Eastern Visayas, at ang silangang bahagi ng Central at Northern Luzon sa mga darating na araw. Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na ito ay mag-landfall habang kumikilos pa-northwest.

Sa darating na Biyernes at Sabado, inaasahang magiging pinakamalapit ang bagyo sa kalupaan ng bansa.

Dahil dito, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maghanda laban sa posibleng malakas na ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Samantala, sa rehiyon ng BARMM, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan ngayong araw, na may isolated na pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Maaaring magkaroon ng flash floods o landslides, lalo na kung tumindi ang ulan na dala ng bagyo.