Dumating na sa New York si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang dalawang araw na working visit. Sinalubong siya ng Philippine Ambassador to the United States, Babes Romualdez, sa kaniyang pagdating.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Marcos at ilang mga opisyal ng gabinete.
Ayon sa ulat, layunin ng pagbisita ng Pangulo ang makilahok sa high-level engagements sa United Nations General Assembly, kung saan magkakaroon din siya ng pagkakataon na magbigay ng kaniyang talumpati sa harap ng mga world leaders.

















