Isang hindi pa nakikilalang bangkay ang natagpuan sa Sitio Bakotoy, Barangay Pandag, kahapon, March 8, 2026, bandang 11:50 ng umaga.

Ayon sa ulat ng Pandag Municipal Police Station, natanggap nila ang tawag mula sa isang opisyal ng barangay na nagbigay-alam tungkol sa natagpuang bangkay sa lugar. Agad namang rumesponde ang PNP, kasama ang 3rd MP, 2nd PMFC, at MDS PPO, upang beripikahin ang ulat, na kinumpirma sa mismong lugar.

Sa paunang imbestigasyon, ang katawan ay tinatayang may taas na 5’4”, nakasuot ng denim na pantalon, puting t-shirt, at itim na jacket. Wala pang nakukuhang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng biktima at sa posibleng motibo o responsable sa insidente.

Agad namang nakipag-ugnayan ang Pandag MPS sa Provincial Forensic Group upang isagawa ang crime scene processing at makakalap ng karagdagang detalye para sa posibleng identification. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.