Kamakailan, lumabas ang mga larawan ni Supreme Leader ng North Korea na si Kim Jong Un kasama ang kanyang anak na babae na si Kim Ju‑Ae habang nagsasanay sa isang shooting gallery sa loob ng isang Munitions factory sa North Korea.

Makikita sa mga larawan ang mag-ama na sinusubukan ang mga bagong modelo ng pistols. Ayon sa ulat, pinuri ni Kim ang performance ng armas at binigyang-diin ang kahalagahan ng pabrika para sa seguridad at lakas ng kanilang hukbo.
Ang naturang eksena ay nagbunsod ng spekulasyon na unti-unting inilalantad si Kim Ju‑Ae sa publiko, at maaaring bahagi ng paghahanda para sa kanyang hinaharap na papel sa pamumuno.


















