Posibleng sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo, kung saan maaaring umabot sa mahigit P130 kada litro ang diesel at lampas P100 kada litro ang gasolina.
Batay sa pinakahuling price projection ngayong Marso 20, tinatayang magtataas ang diesel ng humigit-kumulang P14.00 hanggang P14.50 kada litro, na magtutulak sa presyo nito malapit sa P130.
Samantala, inaasahan namang madaragdagan ng P7.00 hanggang P7.50 kada litro ang gasolina, na maaaring magdala sa presyo nito sa mahigit P100 kada litro. Malaki rin ang inaasahang dagdag-presyo sa kerosene.
Ayon sa mga eksperto, ang patuloy na tensyon sa Middle East ang isa sa pangunahing dahilan ng paggalaw ng presyo, na nagdudulot ng problema sa suplay sa pandaigdigang merkado.
Nagbabala naman ang Department of Energy (DOE) na maaaring magpatuloy ang pabago-bagong presyo ng langis sa mga susunod na linggo dahil sa hindi pa rin matiyak na supply situation

















