Nasa stable na kondisyon ngayon ang isang sundalo ng 79th Infantry Battalion matapos masugatan sa kaliwa at kanang braso bunsod ng tama ng bala at sumailalim sa minor surgery sa ospital.

Natamo ng isang sundalo na may ranggong Corporal ang mga sugat sa gitna ng serye ng engkwentro laban sa natitirang puwersa ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Toboso, Negros Occidental.

Patuloy ang kanyang gamutan habang naka-monitor ang kondisyon sa ospital. Ayon sa 3rd Infantry Division, mabilis na naisagawa ang medical evacuation at agarang pagbibigay ng lunas sa sugatang tauhan bilang bahagi ng kanilang protocol sa mga operasyon.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng militar sa lugar kasunod ng mga naunang sagupaan.