Minomonitor ng DOST-PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw, Mayo 5, 2026.
Ayon sa ahensya, ang LPA 05a ay may mababang posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Samantala, ang LPA 05b ay may mataas na tsansa na lumakas at posibleng maging isang ganap na tropical depression sa parehong panahon.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na magmonitor ng mga susunod na update mula sa PAGASA kaugnay ng galaw ng mga sama ng panahon.
Sa kasalukuyan, patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa Mindanao. Dahil dito, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa rehiyon ng BARMM, na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makakaranas ng malalakas na thunderstorm.

















