Isinagawa ngayong biyernes ang seremonyas para sa amnesty application sa National Amnesty Commission.

Mismong si MP Jack Abas ang nagsumite ng mga amnesty applications ng mga MILF members kay NAC Commissioner Leah Tanodra Armamento.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng Bangsamoro Government sa pangunguna nina MBHTE Minister Mohagher Iqbal, MP’s na sina Atty. Mary Ann Arnado, Baileng Mantawil at si BARMM Senior Minister Von Alhaq Maslamama.

Sa mensahe ni MP Dan Asnawie, sinabi nito na umaasa ang mga ito na maaprubahan ang mga nasabing aplikasyon bago pa man magsimula ang filing ng COC’s sa darating na oktubre.