Nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga weather authorities ang dating Tropical Depression “CALOY” na ngayon ay isa nang Low Pressure Area, na naitala bandang 3:00 AM sa layong 690 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.

Samantala, patuloy ding apektado ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorms.

Sa pinakahuling forecast, inaasahang makararanas ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang mga isolated rainshowers o thunderstorms.

Nagpaalala ang mga awtoridad na posible pa ring makaranas ng flash floods at landslides lalo na kung sasabay ang malalakas na thunderstorm sa ilang lugar.

Patuloy ang monitoring sa galaw ng LPA at lagay ng panahon sa bansa.